March 21st, 2009 by zxc412sdf
Sa loob ng ilang linggo,
Magtatapos ang isang yugto,
Yugto ng buhay na kay hirap iwanan,
Dahil sa aming mga karanasan,
Tawanan, iyakan, kabastusan at gulo,
Lahat yan ay nandito,
Sa paaralang ASC ang ngalan,
Ngunit wag ka, kakaiba yan!
(edited: bat hindi lumabas?)
May nakasingit sana dito pero naisip ko pampagulo lang yun. Naisip ko lang naman talaga ay asarin at tirahin ng todo (oo titirahin talaga) ang mga teacher na nagpahirap sakin. Pero dahil hindi pa graduation ay hindi muna. Sa April 5 nalang pagtapos…
Uumpisahan ko nalang ang litanya mula sa skul at sa lahat ng nakapalibot dito.
Una, ang kantin. Ang kantin na nagpapakain ng libre. (Oo, libre kung may abilidad ka gaya ko). Sa skul na to kahit anong antas nakakakain ng libre basta may abilidad. Di mo kailangan ng pera. Speaking of pera…
Sa skul na to ako natuto magtipid. Kung noon ay hindi nagtatagal ang pera sa akin ngayon nakakapapagtipid ako kahit papano lalo na kung may pinaghahandaan.
(pause muna kahit dpa dpat)
(may kachat ako)
(at kinakabahan ako)
Posted in Uncategorized | No Comments »
March 20th, 2009 by zxc412sdf
Akala ko mangyayari ang dapat mangyari.
Akala ko magagawa ko ang aking plano.
Akala ko magiging masayang masaya ako.
Akala lang pala lahat.
Kakaiba ang mga nangyari.
Kakaiba sa aking inasahan.
Dapat hindi na umasa sa lecheng youth camp ano.
Posted in Uncategorized | No Comments »
February 24th, 2009 by zxc412sdf
Ako ay Pilipino.
Ang gumawa nito ay Pilipino.
Ginawa ito ng gumawa nito para sa Pilipino.
Pilipino ka ba?
Kung Pilipino ka at Pilipino ang gumawa nito, ikaw ba ang gumawa nito?
zZzz
Naisip ko yan kanina sa jeep habang pauwi galing palengke (oo palengke).
Ang araw na ito ay isa sa mga araw na sana ay hindi na maulit sa kalendaryo. Hindi naman ako galit sa February 24 pero talagang walang kwenta ang araw na ito. Dalawang beses ako (kami pala) napatayo sa klase. At ang pinakamalala, wala, nakakatamad lang talaga.
Bigla ko naisip ung retreat. 3 days daw. Sasama ka ba kung sa eskwelahan lang gaganapin. Oo. Huling retreat na to. Pero. Naisip mo ba na para ka lang din pumasok. 1 araw nga na wala pang 24 oras gusto mo na magcutting yun pa kayang 3 araw?
- 3 araw kang walang gadget na hawak (di uso sakin yan)
- 3 araw na walang dota
- 3 araw kang zZzz
Kung ako talaga di ako sasama dyan. Pero. Kung may “package” naman na kasama yan. Bakit hindi diba?
Hindi package na pag sumama ka eh may libreng PSP o kaya laptop, kundi kahit package na pag sumama ka instant graduate ka na. hahaha. Hindi. Gusto ko lang naman wag nang problemahin yung kaproble-problema nga namang clearance na kailangan mong papirmahan sa mga gurong zZzz.
Wala nanaman akong asayment bukas kay Sir Fermin. Ano daw? Limerick na english? Aa. Panu yon? Buti pa yung mabait at parang pinaglihi sa anghel na si Sir Ano. Konti magbigay ng asayment.
Geh. Gagawin ko na muna yon.
(Baka pagbuhul-buhulin kami bukas.)
Ahahayyyy
Posted in Uncategorized | No Comments »
February 13th, 2009 by zxc412sdf
hahayzz.. puchang js un… ewan ko kung dapat maging masaya o maburyo ng todo.. buti p ung iba.. kow…
anggulo… bat dna lng kc “oo” ang sagot sa lahat ng tanong para wla ng gulo dba? hndi ung pinapaikotikot pa na dmo alam kung titigil pa..
bat kc mahal pdn kita… bAdtrEp! siksik ka ng siksik dun dmo alam may naghihintay sayo na mas malaki… ayan bAdtrEp kdin.. tsk..
wala n ngang panahon patangatanga ka pa.. anu mangyyre nian.. pde nmng sbihin na “waa” edi tapos… wla ng paligoyligoy.. hindi ung gn2 na mgnda nga sagot mo hirap nmn pniwalaan..
utak mo kc parang orasan na sira.. pabaligtad ang ikot at minsan ayaw pa umikot… ahahayzzz…
may mali dn nmn ako eh.. alm ko nmn yun.. pero…. tsk.. pinagsisihan ko n nmn yun.. antagal ko nagpahiyang at kung kelan andun n yung moment biglang —–… wla… payat…
mukha lng mgnda ung nngyari peru kung alm niu prang lalo pa gumulo icp ko… putragis tlga.. ewan ko kung titigil pa ko kakatype wala kc ako makausap…
buti pa ang buwan.. tahimik lng peru alm mo na nandiyan sya sa gabi kung kelan kailangan mo siya.. sana ganun kaung lahat… wla kong paki kung ala magbasa nito.. wala ngang mkausap ehh.. edi magtype…
hahayzz…
anu na??? wla…
lambot.. anu gagawen ko??
deal or no deal?
pera o bayong?
laban o bawi?
kwarta o kahon?
taktak o takbo?
zZzzz/..
paramdam ha…
Posted in Uncategorized | No Comments »
January 14th, 2009 by zxc412sdf
ano ba tayo
nahihirapan na ako
friends lang ba talaga o ano
hindi ko alam
kung ano ang dapat kong maramdaman
pag dating sayo
litong lito ang puso ko
umiiyak
pero para ano
hindi naman dapat ganito
sabi nila pag-ibig napaka ganda
para kang nasa langit baga
bakit ganito
para akong pinapatay
kung ano ano tuloy ang iniisip ko
meron bang iba
sabihin mo na sana
hindi yong pinapaasa
dati nating tagpuan
hindi kana sumisipot
nasaan kanaba
sabihin mo na
tapusin nanatin to kung tapos na
hindi lagi nalang ako nag hihintay
sa tagal ng panahon
ikaw lang ang buhay ko
pag gising at pag tulog
naka schedule sayo
siguro nga duon nagkamali
wag kang magalala hindi na uli
natututo ng mabuhay na wala ka
pero miss parin kita
ikaw parin ang hinahanap
nitong pusong pangalan mong iniiyak
kakayanin ko
wag mo akong alalahanin
ayaw kong babalik ka dahil na aawa sa akin
Posted in Uncategorized | No Comments »
June 16th, 2008 by zxc412sdf
Totoo ba na lahat tayo nagiging tanga sa pag-ibig??
O pinaninindigan lang yong katangahan?
Tama ba na umasa pa kahit wala na talagang pag-asa?
Tama ba na lumaban pa kahit wala ng pinaglalaban?
Paano mo malalaman kung dpat ka na sumuko at kung hindi pa??
Basta ako? Gusto kong maging si Pacquiao.. Laban kung laban…
Mali pala ako. Hindi pala pwedeng laban ng laban. Lumalaban ka nga yung pinaglalaban mo naman walang pakialam o ang mas malala ay IYONG PINAGLALABAN MO MAY IPINAGLALABAN DING IBA?
Paano naman kung umpisa palang alam mong talo ka na? Lalaban ka pa?
Grabe na ako. Puro laban. Sya dota nalang…
WAG MO NA SANA
Naiinis na ako sa iyo
Bakit mo ba ako ginaganito
Ikaw ba ay naguguluhan sa ‘king tunay na nararamdaman sa iyo
Ano pa bang dapat na gawin pa
Sa ‘king pananamit at pananalita
Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghahanga at pagtingin
Sa iyo
Chorus:
Wag mo na sana akong pahirapan pa
Kung ayaw mo sa ‘kin ay sabihin mo na
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita
Ano pa bang dapat na gawin ko
Upang malaman mo ang nadarama ko
Upang iyong mapagbigyang pansin
Aking paghahanga at pagtingin
Sa iyo
(Repeat chorus)
Oo na mahal na kung mahal kita
Astig yang kantang yan. Sapul na sapul.
zZzz
Posted in Uncategorized | No Comments »
June 10th, 2008 by zxc412sdf
Paano ka magmahal?
Ikaw ba yung tipo na type mu lang dahil maganda at sexy liligawan na? Hindi ba dapat na start off as friends and let the love begin?
Nakakatawa pero may mga lalaking ganun.
Hindi ba dapat na liligawan mo kasi mahal mu na talaga?
Eh yung iba dyan na pag di naging nobyo o nobya ang minamahal parang wasak na ang mundo? Wag namang sanang ganun. Siguro hindi lang talaga siya yung taong para sa’yo.. Sa dinami-daming taong ginawa ng Diyos may nakalaan dyan para sa’yo.
Wala akong magawa kaya ko pinaggagawa to. Katamad eh.. biro lang.. hahah..
Nababadtrip lang ako sa mga tao na pag may mahal sila kailangan mahalin din sila. Anung klaseng hayup kayo? Hindi ba pwede na magmahal kayo at ganun na lang. If he/she feels the same for you then you’re lucky pero don’t expect too much kasi the more yung expectations mo mas matindi yung sakit..
Maniwala ka.. Naramdaman ko na yan..
Posted in Relationship | 4 Comments »
June 10th, 2008 by zxc412sdf
Teenage Love sa panahon na’to posible nga ba?
Sa mga panahon ngayon, posible nga bang main-"love" ang mga kabataang gaya ko? Love nga ba ang nararamdaman natin?
Sa tingin ko?
Ewan.
Depende din sa kinalakihan ng tao iyon. Kung siya ay kulang sa pagmamahal maaring humahanap lamang siya ng taong makakapagbigay ng hinahanap niya sa iba at the opposite sex. Pero, love nga ba yon? Hindi ata. Siguro in-love lang tayo sa idea na may nagpapakita ng care sa atin gaya ng "kumain ka na ba?, "wag ka magpapakapagod ha!" We are loving the emotion called love at hindi yung tao na sinasabihan natin ng "I love you"
Love is the greatest feeling but it is also the worst. Pag nainlove ka at nasaktan, wow pare, parang giba ang mundo mo at nagagalit ka sa lahat ng masaya.
Pero, meron din talagang mga tao na nararamdaman talaga iyon.
Yung tipong kayang maghintay kahit sabihin ng mahal nila na studies muna.
Pero diba nakakabadtrip yon pag sinabihan ka ng ganun? Well, sabi nga nila maraming tanga sa pagibig…
Payo ko lang sa mga naiinlove kuno dyan, wag naman sana gawing hobby ang katangahan ha…
Saan nga pala kayo don?
Yung nagmamahal talaga o nasa isip lang ang pagmamahal?
Isip-isip..
Posted in Relationship | 1 Comment »